mahulaan mo kaya kung ikaw siya?  

Posted by malungkot_na_tala in , ,

Matagal na tayong hindi nagkikita. Hindi naman kasi maiiwasang hindi tayo magkita dahil sa katangian ng gawain ko ngayon. Pero bigla kitang namiss noong binalita sa akin na may problema kang hinaharap ngayon. Alam mo, gustung-gusto kitang yakapin at sabihing magiging okay din ang lahat. Parang iyong ginagawa mo din sa akin kapag ako naman ang namomroblema. Para kang anti-depressant ko. Kasi sa tuwing sinasabihan mo ako na kaya ko ang lahat, kumakalma ako. Ganoon ang epekto mo sa akin.

Naalala ko noong mga panahong madalas tayong magkasama. Namimiss ko iyong lalabas tayo para tumambay sa plasa at kumain ng fishballs or lomi. Namimiss lang kitang kasamang maglakad at magpagabi sa daan. Namimiss kitang asarin dahil sa zero mong lablyf. Namimiss kitang tarayan at namimiss ko rin ang katarayan mo. Ang pag-aaral o pagtuturo man na kasama ka, kahit mga meetings na ako o ikaw ang nagpe-preside. Kahit ang mga tsismis na nasasagap mo tungkol sa boardmates mo na sympre ikukuwento mo sa akin, namimiss ko rin. At ang mga madaling araw na tirik pa ang mata natin dahil sa pag-aayos para sa aktibitis o magdamag na libreng pag-i-internet. Namimiss kitang katabi sa higaan, kahit nga ang mannerism mo bago matulog, namimiss ko. Minsan ginagaya ko na rin.

Sobrang namimiss na nga siguro kita. Naiiyak na tuloy ako. Haha! Sana nga magkita na tayo at magkwentuhan uli, gaya ng dati. Hindi ko pa siguro nasasabi sa iyo pero maraming maraming salamat at parati ka pa ring nandiyan. Salamat sa lahat-lahat, at hindi ko man nasasabi kasi di nga tayo cheesy eh mahal kita (teka, di ako tina ha? Alam mo na kung anong klaseng pagmamahal yun basta hindi romantic lab. Di ka rin naman tina di ba? Hehe).

At epektib ka pa ring anti-depressant ko. Ingat ka lagi at sympre, malalagpasan din natin lahat ng problema. Sabi nga ni Rico Blanco, Kung ayaw, may dahilan. Kung gusto palaging mayroong paraan, gumawa nalang tayo ng paraan. Haha! (parang walang konek iyong ke Rico Blanco)

*imahe ay mula sa http://fancyflours.files.wordpress.com/2007/06/ice-cream-cone.jpg

This entry was posted on Monday, May 11, 2009 at 8:38 PM and is filed under , , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

2 comments

rara  

si ......

May 26, 2009 at 9:49 AM

and senti...

September 17, 2009 at 10:15 PM

Post a Comment