Ayaw ng nanay kong i-post ko ito  

Posted by malungkot_na_tala

Mahirap ang magkaroon ng bisita sa bahay.

Pero mas mahirap kung ikaw mismo ang magiging bisita sa sarili mong bahay.

Paano iyon?

Nitong nakaraan, dumating ang mga bisita namin mula sa Manila. Taun-taon, nakagawian na ang pagbabakasyon nila sa probinsya namin. Ayos naman, masaya, masagana. Parang sanayan nalang kumbaga. Pero ang naging pasabog, ang mga bisita namin ay may mga bisita rin pala.

2nd day ng stay nila sa bahay ng sinabi nila na may darating silang bisita. Okay, wala din naman kaming magagawa. At laking gulat na lang namin ng dumating sila. Hindi lang anim o sampu kundi 30 katao. Parang reunion ata ng pamilya iyon.

Dumating sila, tatlong van. Nagsibabaan at diretso sa loob ng bahay. Kaming magkapatid at mga kaibigan ko ay nasa labas lang. Sa kubong ginawa ng nanay ko at busy sa paggawa ng aming income generating project (igp) para ngayong summer. Ang nakapagtataka, parang hindi kami nakatira sa bahay. Wala lang. Kebs lang sila sa amin. Ni hindi man lang bumati o nagpaalam na i-invade na nila ang aming munting tahanan. Eh di sige lang, siguro talagang ganun lang sila. O kaya di lang kami napansin (na imposible din naman talaga). Go lang kami sa paggawa ng solar art necklaces namin.

Tapos ayun na nga, ininvade ng mga nanay na bisita ng bisita namin ang kusina. Nagluto. Malalaking hipon, chicken barbeque, blue marlin eklabu, tahong at kung anu-ano pa. Daming pagkain talaga.

In fairness, may kumausap naman sa amin. Sabi bibili daw sila ng produkto namin. Kahit papaano, medyo humupa ang nagsisimulang inis ko dahil at least, kikita naman kami.

Ayun, balik sa kusina. Ang kalat. Nakalabas ang mga kaldero, nagkalat ang mga gulay, isda, mga balat ng sibuyas, bawang. Puro tulo ng tubig sa sahig. At sobrang dami ng hugasan. Naisip ko, nag-umpisa na ang kalbaryo namin sa paglilinis at pag-aayos ng bahay.

Wala din naman akong magawa o masabi kasi nga mga bisita sila.

Pagkatapos maluto ng napakarami nilang pagkain, matapos naming magsaing ng ilang ulit at mag ihaw ng chicken barbeque, umalis din ang mga bisita. Hindi para umuwi kundi maligo sa beach. (ang beach ay ilang lakad lang ang layo mula sa bahay namin)

Go na sila sa beach. Kami naman ng mga kaibigan ko ay sinamantala ang pagkakataon para maglunch at maglinis na rin. Hatian ng hugasan. Kina lee at louie ang mga kaldero, samin ni reizel ang plato, baso, kutsara, tinidor atbp.

Nilinis din ni rei ang buong kusina. Tinapon ang mga basura, pinunasan ng basahan ang natapong mantika, hiniwalay ang mga gulay sa plastik atbp..

Matapos ang ilang minuto, naging malinis uli ang nanlilimahid na kusina.

Pero hindi lang doon nagtatapos ang kwento ko. Nang dumating ang mga nagbeach, dumiretso sa banyo para magbanlaw. Kahit basang basa sila mula sa dagat, walang pakialam na nagtungo sa banyo. Ang labas, basa pati ang sahig ng bahay namin dahil sa mga tulo mula sa kanilang basang damit. Sunud-sunod ang dating ng mga tao, walang tigil ang paggamit sa gripo. Naghalo na ang mga tulo sa sahig sa mga buhanging nakakapit sa kanilang basa ding tsinelas. Halos bumaha sa kabilang kwarto dahil sa tuluy-tuloy na paglabas ng tubig mula sa maliit na uwang sa ilalim ng pinto ng banyo. Hindi nga namin maintindihan kung paanong nagkakaganun, sakto lang naman sa laki ang banyo para hindi lumabas ang tubig sa uwang na nabanggit ko.

Eto pa, dahil nakita ng ilang bisita na nagbihis ang kapatid ko sa kwarto ko (na dressing area na), pumasok din sila doon para magbihis. Nang hindi nagpapaalam.

Matapos maligo ng iba, nagpunta sa sala. Naupo sa sofa, nagkwentuhan, nagharutan, nagusap sa wikang ingles, sumayaw at iba pa. Lahat na ng ingay ginawa nila. Inihagis ng isang bata ang baso sa kanyang nakatatandang pinsan. Plak. Basag. Ganoon kadahas ang mga batang spoiled. (spoiled sila kasi astang mayaman at hindi man lang sawayin ng mga magulang)

Dahil sa may pagpapahalaga ako sa privacy ng mga bagay-bagay, shinut down ko ang laptop na nakalagay malapit sa tv. Pero siguro ginamit uli siya ng kapatid ko kaya noong pumasok uli ako ng bahay, mga bata na ang naglalaro at nag-iinternet. Hindi ko nalang din sinaway. Kasi nakakahiya nga naman dahil bisita sila.

Nasa kubo nalang kami at nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko nang biglang may nagtanong na isa sa mga bisita. Eto ang naging daloy:

Bisita: Dito kayo natutulog sa kubo?
L: Opo, kung walang space sa loob lalo na kung may mga bisita.
Bisita: Ano kayo mga guwardiya?
L: Wala na po kasi space sa loob kaya dito po natutulog ang ibang bisita gaya ko.
Bisita: Sino ba ang host niyo?
L: Sila pong magkapatid na nakatira dito (sabay turo sa amin)
Bisita: (di na umimik)

Mahirap lang din talagang i-maintain ang privacy mo kung maraming taong nakapaligid sa iyo. Lalo na iyong di mo ka-close. Habang nagsusulat nga ako ng intro ng blog entry na ito, lumapit ang isa sa mga bisita namin noon. Napilitan akong i-close ang ginagawa ko at nakipagkwentuhan nalang sa kanya.

Realizations ko?

1. Mahirap ang tumanggap ng napakaraming bisita. Hindi mo alam kung paano sila aasikasuhin.

2. Mas mahirap ang nakatira ka sa bahay na hindi sa iyo. Hindi ka pwedeng gumawa ng rules at regulations na i-impose mo para sundin ng lahat.

3. Masaya ang magkaroon ng bahay malapit sa beach.

4. Mahal magpatayo ng sariling bahay. Mahirap din naman kung nangungupahan lalo na kung palipat-lipat.

5. Ang mga mahihirap ay hindi sumasabay sa hapag kasama ang mga mayayaman.

6. Spoiled ang karamihan sa mga batang mayayaman. At inglesero.

7. Ako, hindi na yata ako magkakaroon ng sariling bahay. haha!


HPV Protection for Sale  

Posted by malungkot_na_tala


*special thanks to ~tacitrequiem for the photo.

Malamang ay napanood niyo na ang bagong patalastas ng two time Cancer survivor na si Joey Albert sa inyong tv screens. Ang patalastas ay tungkol sa pagpapalaganap ng awareness tungkol sa impeksyon na Human Papillomavirus (HPV) at ang solusyon para dito.

Alam niyo ba na 8 out of 10 na kababaihan ang maaring magkaroon ng HPV?

Ano ang HPV?

Una ang HPV ay impeksyon na maaaring makuha ng isang indibidwal (karaniwan ay babae) sa pamamagitan ng skin to skin contact.Madalas sa pakikipagtalik or sexual intercourse.

Sa aktwal ay may higit na 100 uri ng HPV. Kadalasan ang mga HPV na ito ang sanhi ng genital warts o lesions na pwede namang mauwi sa cervical cancer kapag hindi naagapan.

Paano malalamang ikaw ay may HPV?

Ang Pap Smear Test ay ang unang opsyon para malaman kung ikaw ay apektado ng HPV. Ito ay ang laboratory test na nagdedetect sa mga abnormal na pagbabago sa cells ng matris.

Pangalawa ay ang HPV test na magtutukoy naman kung ikaw ay may isa sa mga 13 HPV na maaaring magdulot ng cervical cancer.

Walang Panlaban sa HPV?


Para sa kaalaman ng karamihan, ang paggamit naman ng condom ay hindi rin tiyak na proteksyon laban sa naturang impeksyon.

Nitong nakaraan ay lumabas na sa publiko ang HPV vaccine na siyang magiging proteksyon ng kababaihan laban sa HPV.

Totoong ito ay panibagong pag-asa para maiwasan ang HPV. Napakahusay at sa loob ng maraming taon ay maaaring bumaba ang incidence ng cervical cancer at iba pang sakit sa reproductive organs.

Pero kung titignan ay limitado ang may kakayahang magpabakuna.

Ayon sa mga balita, ang isang bakuna ay nagkakahalaga ng P2,000 per shot. May nagsabi ring aabot ng P3,000 hanggang P5,000 sa mga pribadong doktor.

Sa kabuuan ay may 3 shots, imultiply mo sa P2,000 ay aabot sa P6,000.00 ang kailangang bunuin ng isang babae para sa bakuna.

Saan kukuha ang isang ordinaryong babae ng P6,000.00? Sa hirap ng buhay ngayon, dagdag pa ang epekto ng global crisis, ay malayo na ang maabot ng P6,000 para pantustos sa pagkain, edukasyon at iba pang pangunahing pangangailangan ng isang pamilya. Ang mga nanay ay siguradong itatabi ang ilang libong piso para sa mas importanteng gastusin kasya kanyang kalusugan. Ang working women ay malamang ilaan nalang ang ganoong kalaking halaga sa ibang bagay. At karamihan ng mga kababaihan, malamang ay ni hindi kumikita ng kahit sa kalahati ng P6,000.00

Hindi ito ang unang bakunang minungkahi para pangalagaan ang kalusugan ng bawat indibidwal. May bakuna sa TB, sa Hepa... na mas mura kaysa sa HPV vaccine. Pero hanggang ngayon, marami pa ring Pilipino ang namamatay dahil sa mga nasabing sakit na kung tutuusin ay kaya nang maiwasan at labanan.

Hangga't mahal ang presyo ng kalusugan sa bansa, mananatiling suntok sa buwan ang pangangalaga sa kalusugan ng bawat isa lalo na ang mga kababaihan.

my greetings to everyone  

Posted by malungkot_na_tala

congratulations to louie santos for his first ever image vector. haha! i know how long he's been trying the vector tutorials. and thanks to him for the logo he created as requested by my dad.

in addition, congratulations to all the BAR exam passers. (i think majority of them are women)

and to all members of SPEDERs care, goodluck on your workshop activity on monday. see you all soon!