english or filipino  

Posted by malungkot_na_tala in ,

matagal akong nawala sa sirkulasyon. at sa katotohanan, halos limang buwan ko ring inabandona ang blog na ito. bakit? sa napakaraming dahilan. at mas makabubuting huwag nang isa-isahin pa.

nasa akin pa rin naman ang ilang pahina nang dapat sana ay blog entry ko noong mga nakaraang buwan. pero hindi ko na din naharap ang pagpost. siguro kasi masyadong marami akong gustong isulat at ibahagi sa mga nagbabasa tapos hindi ko na alam ang gagawin at uunahin. ang resulta, ilang buwang pagka-tengga sa pagsusulat.

noong una akong nagdesisyong magblog at i-maintain itong blog, sa ingles ako magsusulat. kasi hindi talaga ako magaling magsulat sa ingles. hirap kayang pagtagni-tagniin ang mga salita lalo na't nag-iisip naman ako sa wikang filipino (di gaya ni master lee, na simula't sapul ay ingles na kung mag-isip). gusto ko lang masanay at mahasa pa sa pagsusulat sa ganung medium.

may mga nagbasa naman pero nainggit ako sa karamihan ng mga nagsusulat sa filipino. kasi tama namang mas madaling intindihin ang tagalog at mas malawak ang naaabot nito. at iyon naman sana ang gusto ko, mas maraming magbasa at makaunawa sa sinusulat ko.

iisipin ko pa uli kung english o filipino.

sa ngayon, ito na muna ang trial blog entry ko matapos ang halos limang buwang pagkawala.