Ayaw ng nanay kong i-post ko ito  

Posted by malungkot_na_tala

Mahirap ang magkaroon ng bisita sa bahay.

Pero mas mahirap kung ikaw mismo ang magiging bisita sa sarili mong bahay.

Paano iyon?

Nitong nakaraan, dumating ang mga bisita namin mula sa Manila. Taun-taon, nakagawian na ang pagbabakasyon nila sa probinsya namin. Ayos naman, masaya, masagana. Parang sanayan nalang kumbaga. Pero ang naging pasabog, ang mga bisita namin ay may mga bisita rin pala.

2nd day ng stay nila sa bahay ng sinabi nila na may darating silang bisita. Okay, wala din naman kaming magagawa. At laking gulat na lang namin ng dumating sila. Hindi lang anim o sampu kundi 30 katao. Parang reunion ata ng pamilya iyon.

Dumating sila, tatlong van. Nagsibabaan at diretso sa loob ng bahay. Kaming magkapatid at mga kaibigan ko ay nasa labas lang. Sa kubong ginawa ng nanay ko at busy sa paggawa ng aming income generating project (igp) para ngayong summer. Ang nakapagtataka, parang hindi kami nakatira sa bahay. Wala lang. Kebs lang sila sa amin. Ni hindi man lang bumati o nagpaalam na i-invade na nila ang aming munting tahanan. Eh di sige lang, siguro talagang ganun lang sila. O kaya di lang kami napansin (na imposible din naman talaga). Go lang kami sa paggawa ng solar art necklaces namin.

Tapos ayun na nga, ininvade ng mga nanay na bisita ng bisita namin ang kusina. Nagluto. Malalaking hipon, chicken barbeque, blue marlin eklabu, tahong at kung anu-ano pa. Daming pagkain talaga.

In fairness, may kumausap naman sa amin. Sabi bibili daw sila ng produkto namin. Kahit papaano, medyo humupa ang nagsisimulang inis ko dahil at least, kikita naman kami.

Ayun, balik sa kusina. Ang kalat. Nakalabas ang mga kaldero, nagkalat ang mga gulay, isda, mga balat ng sibuyas, bawang. Puro tulo ng tubig sa sahig. At sobrang dami ng hugasan. Naisip ko, nag-umpisa na ang kalbaryo namin sa paglilinis at pag-aayos ng bahay.

Wala din naman akong magawa o masabi kasi nga mga bisita sila.

Pagkatapos maluto ng napakarami nilang pagkain, matapos naming magsaing ng ilang ulit at mag ihaw ng chicken barbeque, umalis din ang mga bisita. Hindi para umuwi kundi maligo sa beach. (ang beach ay ilang lakad lang ang layo mula sa bahay namin)

Go na sila sa beach. Kami naman ng mga kaibigan ko ay sinamantala ang pagkakataon para maglunch at maglinis na rin. Hatian ng hugasan. Kina lee at louie ang mga kaldero, samin ni reizel ang plato, baso, kutsara, tinidor atbp.

Nilinis din ni rei ang buong kusina. Tinapon ang mga basura, pinunasan ng basahan ang natapong mantika, hiniwalay ang mga gulay sa plastik atbp..

Matapos ang ilang minuto, naging malinis uli ang nanlilimahid na kusina.

Pero hindi lang doon nagtatapos ang kwento ko. Nang dumating ang mga nagbeach, dumiretso sa banyo para magbanlaw. Kahit basang basa sila mula sa dagat, walang pakialam na nagtungo sa banyo. Ang labas, basa pati ang sahig ng bahay namin dahil sa mga tulo mula sa kanilang basang damit. Sunud-sunod ang dating ng mga tao, walang tigil ang paggamit sa gripo. Naghalo na ang mga tulo sa sahig sa mga buhanging nakakapit sa kanilang basa ding tsinelas. Halos bumaha sa kabilang kwarto dahil sa tuluy-tuloy na paglabas ng tubig mula sa maliit na uwang sa ilalim ng pinto ng banyo. Hindi nga namin maintindihan kung paanong nagkakaganun, sakto lang naman sa laki ang banyo para hindi lumabas ang tubig sa uwang na nabanggit ko.

Eto pa, dahil nakita ng ilang bisita na nagbihis ang kapatid ko sa kwarto ko (na dressing area na), pumasok din sila doon para magbihis. Nang hindi nagpapaalam.

Matapos maligo ng iba, nagpunta sa sala. Naupo sa sofa, nagkwentuhan, nagharutan, nagusap sa wikang ingles, sumayaw at iba pa. Lahat na ng ingay ginawa nila. Inihagis ng isang bata ang baso sa kanyang nakatatandang pinsan. Plak. Basag. Ganoon kadahas ang mga batang spoiled. (spoiled sila kasi astang mayaman at hindi man lang sawayin ng mga magulang)

Dahil sa may pagpapahalaga ako sa privacy ng mga bagay-bagay, shinut down ko ang laptop na nakalagay malapit sa tv. Pero siguro ginamit uli siya ng kapatid ko kaya noong pumasok uli ako ng bahay, mga bata na ang naglalaro at nag-iinternet. Hindi ko nalang din sinaway. Kasi nakakahiya nga naman dahil bisita sila.

Nasa kubo nalang kami at nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko nang biglang may nagtanong na isa sa mga bisita. Eto ang naging daloy:

Bisita: Dito kayo natutulog sa kubo?
L: Opo, kung walang space sa loob lalo na kung may mga bisita.
Bisita: Ano kayo mga guwardiya?
L: Wala na po kasi space sa loob kaya dito po natutulog ang ibang bisita gaya ko.
Bisita: Sino ba ang host niyo?
L: Sila pong magkapatid na nakatira dito (sabay turo sa amin)
Bisita: (di na umimik)

Mahirap lang din talagang i-maintain ang privacy mo kung maraming taong nakapaligid sa iyo. Lalo na iyong di mo ka-close. Habang nagsusulat nga ako ng intro ng blog entry na ito, lumapit ang isa sa mga bisita namin noon. Napilitan akong i-close ang ginagawa ko at nakipagkwentuhan nalang sa kanya.

Realizations ko?

1. Mahirap ang tumanggap ng napakaraming bisita. Hindi mo alam kung paano sila aasikasuhin.

2. Mas mahirap ang nakatira ka sa bahay na hindi sa iyo. Hindi ka pwedeng gumawa ng rules at regulations na i-impose mo para sundin ng lahat.

3. Masaya ang magkaroon ng bahay malapit sa beach.

4. Mahal magpatayo ng sariling bahay. Mahirap din naman kung nangungupahan lalo na kung palipat-lipat.

5. Ang mga mahihirap ay hindi sumasabay sa hapag kasama ang mga mayayaman.

6. Spoiled ang karamihan sa mga batang mayayaman. At inglesero.

7. Ako, hindi na yata ako magkakaroon ng sariling bahay. haha!


This entry was posted on Monday, April 13, 2009 at 10:22 PM . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

3 comments

wow. naramdaman ko ang 'inis' at helplessness mo dahil sa mga bisita ng bisita nyo. hehe =)

yaan mo, aalis din yan. ang d ko lang maintindihan how come ur visitor invited so many guests when they themselves are only guests? tsaka sana naman marunong sila mangilala diba. i've been a guest too sa bahay ng mga friends ko pero i always make sure that i pay respect to the house owner and act with manners. unang-una hindi ko bahay, nakiki-stay lang ako.

i feel you girl. kung sa bahay namin nangyari yan, my mom knows that my bedroom is always off limits. kapag nalalaman ng bisita na kwarto ko yun, nobody would dare even touch the doorknob. takot ata sila sakin. haha!

April 24, 2009 at 9:10 PM

awts kelan to? buti at nakasurvive kayo haha

April 25, 2009 at 3:30 AM

realization #8:
ang pagging "hospitable" ay kaakibat ng "patience" at mraming "no-comment-hanngang-sa-makaalis-sila"

April 29, 2009 at 5:26 PM

Post a Comment